Nangunguna ang ekonomiya ng Pilipinas sa buong Asya.
Ito ay ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nasa 6% projected GDP growth base na din sa World Economic Outlook na inilabas ng International Monetary Fund ngayong buwang ng Abril.
Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos na lalo pang pag- iibayuhin ng kanyang administrasyon ang pagtatrabaho upang lalong mapalakas ang ekonomiya ng bansa.
Asahan aniya sabi ng Pangulo na mas lalo pang bibigyang pansin ng pamahalaan ang mga hakbangin na nakatuon sa pagpapa-unlad ng ekonomiya tungo sa isang bagong Pilipinas.
Pumangalawa naman sa 2023 GDP forecast kasunod ng Pilipinas ay ang India na nasa 5.9% habang pumangatlo ang Vietnam na nasa 5.8% at nasa ikaapat ang China na nasa 5.2%.
Nasab5% naman ang Indonesia, 4.5% ang Malaysia habang ang Thailand ay nasa 3.4% ang projected GDP growth. | ulat ni Alvin Baltazar