PSA, nagbabala vs. pekeng social media account ng Nat’l Statisticial and Civil Registrar General

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko laban sa kumakalat na pekeng Facebook account na ginagamit ang pangalan ng National Statisticial and Civil Registrar General (NSCRG).

Sa isang pahayag, inabisuhan ng PSA ang publiko na huwag magtiwala sa mga matatanggap na mensahe mula sa online poser na nagpapanggap para makapag-solicit ng pera.

Paglilinaw ng ahensya, hindi nanghihingi o nagso-solicit ng pera ang National Statisticial and Civil Registrar General (NSCRG).

Wala rin aniyang official Facebook account ang NSCRG kaya naman ang sinumang mahuhuling gumagamit ng pangalan nito o ng PSA ng walang pahintulot ay maaaring managot sa batas.

Kasunod nito, hinimok ng PSA ang publiko na ipagbigay alam agad sa PSA Legal Service kung makakatanggap ng mensahe sa pekeng social media account.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us