QC LGU, magsasagawa ng SIM assisted registration sa susunod na linggo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutulong na rin ang Quezon City local government para mas marami ang makapagparehistro ng kanilang SIM bago ang deadline sa April 26.

Sa inilabas nitong abiso, magsasagawa na rin ang pamahalaang lungsod ng SIM assisted registration sa loob ng QC Hall Compound.

Isasagawa ito simula sa susunod na linggo, April 24 hanggang sa mismong araw ng deadline sa April 26, 2023.

Magiging available dito ang registration booths ng tatlong telcos

• Globe Telecom
• Smart Telecommunications
• Dito Telco

Ang proyektong ito ay hatid ng Office of the City Administrator katuwang ang nabanggit na mga Telcos.

Sa pinakahuling tala ng NTC, as of April 19 ay aabot na sa 75.5 milyong sim card ang nairehistro na o katumbas ng 44.97% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us