Binigyang-diin ng Philippine Red Cross (PRC) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng well-trained na personnel sa pagsagip ng buhay lalo na sa mga insidente ng pagkalunod.
Ito’y matapos ma-rescue ng roving foot patrol ng PRC Rizal Chapter ang isang 15-taong gulang na dalaga na muntik nang malunod sa Wawa Dam.
Ayon kay Red Cross Chairperson Richard Gordon, mabilis na rumesponde ang Emergency Medical Services team upang magkaroon ng malay ang biktima.
Bukod sa trained personnel, iginiit ni Gordon na mahalaga rin ang sapat na equipment sa pagtugon sa medical emergencies.
Samantala, nagpasalamat naman ito sa mga volunteer ng PRC na nagserbisyo sa kasagsagan ng Semana Santa sa libo-libong nangangailangan ng atensyong medikal.
Hindi aniya matatawaran ang kanilang pagsisikap sa kabila ng mga hamon at banta sa buhay. | ulat ni Hajji Pantua Kaamiño
?: PRC