Sa paglilinis ng hanay ng PNP, mga tiwaling pulis sinibak; 1.8k pinarusahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na 208 tiwaling pulis na ang sinibak sa serbisyo sa pagsulong ng Internal Cleansing Campaign.

Ayon kay Acorda, ang 208 natanggal sa serbisyo ay dahil sa iba’t ibang “grave offense”, habang 1,875 iba pang pulis ang pinatawan naman ng parusa para sa iba’t ibang pagkakamali mula Julyo 2022 hanggang Abril 13 ng taong ito.

Una nang tiniyak ni Gen. Acorda na itutuloy niya ang paglilinis sa hanay ng PNP na nasimulan ng kanyang pinalitan.

Kaugnay nito, inatasan ni Gen. Acorda ang iba’t ibang intelligence unit ng PNP na palakasin ang counter-intelligence operations laban sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga at iba pang katiwalian.

Sa kanyang unang command Conference, pinaalalahan din ni Gen. Acorda ang mga unit Commander na ang counter-intelligence ay bahagi ng kanilang trabaho, at dapat nasusubaybayan nila ang mga ilegal na aktibidad ng kanilang mga tauhan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us