Sapat na suplay ng kuryente sa mga health facility, pinatitiyak ng mambabatas sa NGCP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), na gampanan ang mandato nito at tiyaking may sapat na suplay ng kuryente ngayong summer season.

Ayon sa mambabatas, mahalaga ang stable na power supply upang masiguro ang dekalidad na serbisyo ng mga health facility.

Diin nito, na buhay ng mga pasyente ang nakataya kaya’t hindi dapat magkaroon ng pagkaantala sa suplay ng kuryente.

Bago ito, ay nagbabala na ang NGCP sa posibilidad ng power interruptions sa kasagsagan ng summer dahil sa mataas na demand.

“We urge the NGCP to make sure that we have adequate power supply all throughout the summer season when demand is at its highest. Hospital patients’ lives are on the line and we need to ensure that the quality of operations in our medical facilities will not be affected,” diin ni Reyes. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us