Semana Santa sa Maynila, naging matagumpay ayon sa MPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maayos at payapa ang naging Semana Santa ngayong taon sa kapitolyo ng bansa.

Ayon kay MPD top cop PBGen. Andre Dizon ito ay bunsod ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para masiguro ang seguridad ng lungsod.

Katuwang aniya ang mga mamamahayag ay naiparating ng pwersa ng MPD ang mga kinakailangan impormasyon sa publiko para maging maayos ang mga aktibidad sa lungsod.

Wala din aniyang naitalang akyat bahay incident sa lungsod na nakarating sa tanggapan ng heneral. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us