Sen. Bato Dela Rosa, naging emosyonal sa panawagan nito sa mga pulis na gampanan ng maayos ang tungkulin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging emosyonal si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa nang manawagan sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP) na ayusin ang pagganap sa kanilang serbisyo.

Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag sa pagtatapos ng tatlong araw na marathon hearing kaugnay ng mga patayan sa Negros Oriental.

Matatandaang sa mga pagdinig, ilang mga pulis sa probinsya ang itinuturo at isinangkot na dawit sa serye ng patayan.

Pinaalalahanan ng senador ang mga pulis kung ano ang paninindigan ng institusyon at dapat aniyang suklian ng mga pulis ng tapat at maayos na serbisyo ang ibinibigay sa kanila ng institusyon.

Sa panayam matapos ang hearing, inamin ni dela rosa na nakakaapekto sa morale ng pambansang pulisya ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa mga kaso ng pamamaslang sa Negros Oriental.

Ayon kay Dela Rosa, naaawa siya sa institusyon ng PNP dahil nayuyurakan ang pangalan nito ng ilang mga tiwaling pulis.

Nag-iwan naman ng mensahe si Dela Rosa sa mga matitinong pulis sa gitna ng mga isyu ngayon sa kanilang hanay. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us