Sen. Raffy Tulfo, nagsagawa ng surprise inspection sa tanggapan ng DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Sen. Raffy Tulfo ang tanggapan ng Department of Migrant Workers o DMW sa Mandaluyong City ngayong araw.

Personal siyang sinalubong ni DMW Sec. Susan “Toots” Ople at 10 ng mga opisyal nito tulad ni Undersecretary Hans Leo Cacdac at iba pa.

Dito, inikot at kinumusta ng senador ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na nag-aayos ng kanilang mga dokumento gayundin ang pamilya na nag-aasikaso sa claims ng kanilang mga kaanak na OFW.

Matapos nito, nakipagpulong naman ang senador sa mga opisyal ng DMW upang alamin kung ano pa ang mga kinakailangan upang mapag-ibayo pa ang kanilang paglilingkod sa bayan.

Si Sen. Tulfo ang kasalukuyang Chairman ng Senate Committee on Migrant Workers

?: DMW

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us