Nakiisa si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Sa isang pahayag, kinilala ni Legarda ang mga kontribusyon ng mga kapatid na muslim sa pag-unlad ng bansa.
Sinabi ng senadora na ang matatag na dedikasyon ng mga kapatid nating muslim sa kanilang pananampalataya, kultura, at tradisyon ay nagpapayaman sa ating lipunan.
Umaasa ang mambabatas na ang okasyong ito ay maglalapit sa bawat isa at maitataguyod ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa lahat.
Bilang panghuli, nanawagan si Legarda sa lahat na magtulungan tungkol sa pagkakaroon ng mapayapa at maunlad na Pilipinas, kung saan ang lahat ng relihiyon at kultura ay nirerespeto at ipinagdiriwang. | ulat ni Nimfa Asuncion