SIM Card Registration, walang extension — DICT

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy hinihikayat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na iparehistro na ang kanilang mga SIM Card at huwag nang hintayin pa ang deadline sa April 26, 2023.

Ayon kay DICT Spokesperson at Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, wala pa rin silang planong palawigin ang sim registration period kaya ang mga hindi makakapagparehistro pagkatapos ng deadline ay awtomatikong made-deactivate na ang numero.

Ngayong dalawang linggo na lang bago ang deadline, nananatiling mababa pa rin ang bilang ng mga sim na rehistrado na.

Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commision, as of April 10 ay nasa 65.1 milyong sim card ang nakarehistro o katumbas pa lamang ng higit 38% ng target na 169 milyong telco subscribers sa bansa.

Mula sa kabuuang SIM card registrants, 32,479,499 ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., o katumbas ng 48.99% ng kanilang subscribers.

Nasa 27,783,028 naman ang nairehistro na sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng 32.03% ng kanilang subscribers habang mayroon na ring 4,882,913 nakarehistrong sim sa DITO Telecommunity o 32.63% ng kabuuang subscribers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us