Bilang selebrasyon ng Solo parents’ week ay isang bazaar ang inorganisa ng Caloocan Local Government tampok ang mga negosyo ng mga solor parent sa lungsod.
Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, ito hakbang ito ng pamahalaang lungsod para bigyang pugay ang lahat ng mga nanay o tatay na mag-isang nagtataguyod sa kanilang pamilya.
Ang “Tindahan ni Nanay kong Tatay, Tatay kong Nanay” bazaar ay bukas buong linggo, simula ngayong araw, April 17- 21 mula 8:00 am- 6:30 pm sa Commercial Complex in Caloocan City Hall – South.
Kaugnay nito, hinikayat ng alkalde ang mga residente sa lungsod na suportahan ang mga negosyanteng solo parent sa pamamagitan ng pagbisita at pagtangkilik sa kanilang iba’t-ibang produkto.
Bukod naman sa solo parents bazaar ay may ibat iba pang aktibidad na inilatag ang City Social Welfare Development Department para bigyang halaga ang mga solo parent sa lungsod. | ulat ni Merry Ann Bastasa