Alas-9:02 ngayong umaga nang ideklarang “Fire Out” ang sunog sa Purok 7, PNR Site, FTI Western Bicutan, Taguig City.
Aabot sa 15 bahay ang natupok. Dikit-dikit ang bahay sa lugar at pahirapan bago mapasok ng mga bumbero.
Ayon kay Fire Supt. Eddie Tanawan, patuloy pa nilang inaalam kung paano nagsimula ang sunog na mabot sa ikatlong alarma.
Walang naitalang nasaktan habang inaalam pa kung magkano ang pinsala sa ari-arian. | ulat ni Don King Zarate