Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ang isang lalaki na nanakit sa kanyang asawa at anak sa Quezon City.

Ayon kay Police Captain Jeff Tuyo, deputy station commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, sinuntok niya umano sa tiyan ang kanyang misis at nagkaroon ng alitan dahil sa nabasang text message mula sa cellphone ng biktima.

Dahil sa ingay ay lumabas ang kanyang walong taong gulang na anak at ang kanyang bayaw.

Sugatan ang anak ng suspect habang umaawat sa alitan ng mag-asawa dahil sa dala nitong kutsilyo.

Kumuha pa aniya ng baril ang suspect at tinutok sa bayaw habang nagbabanta.

Nakapagresponde ang mga pulis mula sa sumbong sa barangay at nakuha ang baril na nakasukbit sa bewang ng suspect.

Itinanggi ng suspect ang pananakit subalit inamin nitong nagselos siya sa nabasang text message sa cellphone ng asawa at nadatnan pa itong lasing.

Mahaharap ang suspect sa mga kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act, Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, Grave threat, at Illegal possession of firearms. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us