Taguig Love Caravan na may libreng Hearing Aid, Libreng medical at dental checkup, isinasagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga residente ng Taguig dahil merong libreng medical checkup at dental sa kanilang syudad ngayong araw.

Ito ay ginaganap ngayon sa Maharlika habang may ganito ring programa sa April 27, 2023 sa Katuparan at
April 28, 2023 sa Pinagsama.

Ayon sa Taguig LGU layon ng Taguig Love Caravan na maiparating ang mga serbisyong medical, dental, at nutrition seminar sa kanilang kababayan.

Maaaring magpa-checkup at magpabunot ng ngipin habang mamimigay rin ng libreng hearing aid sa mga kwalipikadong Taguigueño na may kailangan nito.

Para sa iba pang detalye maaring bisitahin ang Official Facebook page ng Taguig LGU na I love Taguig. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us