Telcos, nanawagan sa pamahalaan na palawigin pa ang Sim Card Registration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang mga telecommunications companies na PLDT-Smart at Globe Telecomunications sa pamahalaan na palawigin pa ang Sim Card Resigration na nakatakdang magtapos sa April 26.

Ayon kay PLDT-Smart Communications Vice President Cathy Yang na ito’y hindi lang daan sa kanilang kumpanya na mas matapos nila ang kabuuan ng kanilang customer population kung hindi para bigyang daan pa ang ating mga kababayan na makapagparehistro, lalo na yung nasa malalayong lugar.

Isa rin kasi aniya sa kanilang nakikita ay ang kawalan ng acess sa mobile data at internet dahil nasa far flung areas ang mga ito

Kaugnay nito gayun din ang panawagan ng Globe telecommunications na palawigin din ang naturang deadline upang mas makapaghatid din ng mas maraming sim card registrants sa bansa

Ayon sa Globe Telco, isa rin sa kanilang inaalala ang mga senior citizens na nahihirapang magparehistro dahil sa walang mobile data capability
ang kanilang gamit na telepono.

Samantala, nakapagtala na ang Smart Communications as of yesterday ng 46 percent ng kanilang kabuuang consumer population na nakapagparehistro na ng kanilang sim card. Ang Globe telecom naman ay nasa kalahati na ng kanilang consumer population ang nakapagparehistro na ng kanilang sim card. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us