US President Joe Biden at Pangulong Marcos Jr., nakatakdang magpulong sa Mayo 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni White House Press Secretary Karin Jean-Pierre na tatanggapin ni US President Joe Biden ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa White House sa Mayo 1.

Sa isang statement na inilabas ng US Embassy sa Manila, inihayag ng Whitehouse Press Secretary na titiyakin ni President Biden kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang “ironclad commitment” ng Estados Unidos na ipagtanggol ang Pilipinas.

Sa kanilang pulong bilateral, pag-uusapan aniya ng dalawang pangulo ang mga hakbang upang lalong mapalakas ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Tatalakayin din ng dalawang lider ang iba’t ibang oportunidad para mapailalim ang kooperasyong pang-ekonomiya at pagsulong ng “inclusive prosperity”.

Kasama din aniya sa mga pag-uusapan ang pagpapalawak ng “people to people ties”, pamumuhunan sa “clean energy transition”, paglaban sa climate change, at paggalang sa karapatang pantao.

Magiging paksa din ng dalawang lider ang mga isyung pang-rehiyon at ang pagtataguyod ng malaya at bukas na Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us