Visayas Command, handang protektahan ang mga testigo sa iba pang kaso ng pagpatay sa Negros Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command (VISCOM) Commander Lieutenant General Benedict Arevalo ang kahandaan ng militar na bigyan ng proteksyon ang mga testigo sa iba pang kaso ng pagpatay sa Negros Oriental.

Ang pagtiyak ni Lt. Gen. Arevalo ay kasunod ng pahayag ng abogado ng pamilya ng pinaslang na Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Atty. Levito Baligod, na may mga testigo na handang magbigay ng impormasyon tungkol sa 64 pang ibang kaso ng pagpatay sa lalawigan kung masisigiro ang kanilang seguridad.

Sinabi pa ni Atty. Baligod na inaasahan nila ang AFP para sa seguridad ng kanilang komunidad.

Sinabi ni Lt. Gen. Arevalo na makikipag-coordinate ang AFP sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at sa “concerned individuals” para hindi makompromiso ang kaligtasan ng mga testigo.

Binigyang diin din ni Lt. Gen. Arevalo na “committed” ang AFP na maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan, at hindi matitinag ang kanilang pagsisikap na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng karahasan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us