VP Sara, panauhing pandangal sa Marilag Festival ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalo si Vice President Sara Z. Duterte sa pagbubukas ng agricultural trade fair na bahagi ng Marilag Festival sa Sta. Maria, Laguna ngayong araw.

Sa kaniyang talumpati, kinilala ni VP Sara ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan bilang “food basket” ng Laguna.

Ikinalugod din ng pangalawang pangulo na malapit nang makamit ng bayan ng Sta. Maria ang pagiging top supplier ng kape sa buong CALABARZON.

Muli namang inalok ni VP Sara ang mga kababaihan ng munisipalidad na i-avail ang “MagNegosyo Ta ‘Day” program ng Office of the Vice President kasabay ng pag-asa na sa susunod na taon ay ito na ang itatampok sa kanilang trade fair.

Isa kasi sa mga tinututukan ng pamahalaang bayan ay ang pagtulong sa women’s groups sa Sta. Maria kaya sinamantala ng bise-presidente ang pagkakataon na himukin ang mga ito na magtayo ng negosyo.

Bukod dito, umaasa si VP Sara na patuloy na itataguyod ng local leaders ang good governance na susi sa kaunlaran at pagtitiyak ng kapakanan ng mamamayan. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us