VP Sara, pinaalalahanan ang mga mag-aaral na pasalamatan ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa graduation rites ng Montessori de San Juan sa San Juan City, ngayong araw.

Dito, kaniyang ipinaalala sa mga nagsipagtapos na huwag kalimutang pasalamatan ang mga taong naging bahagi ng kanilang tagumpay.

Kasunod nito, hinikayat din ng Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon ang mga nagsipagtapos sa Grade 6 at Grade 12 na balansehin ang kanilang buhay mag-aaral at pagiging kabataan.

Mensahe pa niya sa mga nagsipagtapos, na magpursige sa kanilang pag-aaral upang makapagtapos at tiyaking maabot ang kanilang mga pangarap na maging propesyunal balang araw.

Patuloy aniya sa paghahanap ng mga paraan ang Department of Education (DepEd) na makapapasok pa rin sa eskwela ang mga kabataan kahit pa sila ay nagbabanat ng buto sa murang edad upang may maitulong sa pamilya. | ulat ni Jaymark Dagala

?: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us