Walang magaganap na dagdag sweldo sa mga manggagawa sa paggunita ng Labor Day sa Lunes.
Ito ang pag-amin ni Sec. Bienvenido Laguesma ng Department of Labor and Employment ngunit may mga programa na inilatag sila para sa mga empleyado.
Kabilang sa mga ito ang Pabahay sa tulong ng Department of Housing and Urban Development, bilihing abot presyo sa tulong ng DTI at DA.
Sa ngayon, nasa pag-aaral pa ng National Wages and Productivity Board kung dapat bang magtaas ng minimum wage. | ulat ni Michael Rogas