Binigyang diin ni Senador Chiz Escudero na ang solusyon sa peace and order problem sa Negros Oriental ay ang patas, consistent, walang takot at walang pagpabor na pagpapatupad ng batas.
Hindi aniya pwede sa gobyerno ang may tinitingnan lang at may tinititingan.
Ayon kay Escudero, ang solusyon sa problema ay agad na panagutin ang sinumang magkakaroon ng paglabag sa batas.
Iginiit rin ng senador, na hindi dapat magbulag-bulagan at huwag konsintehin ng mga opisyal ng PNP at ng pamahalaan ang mga kalokohan at katiwalian.
Sinabi rin ng mambabatas, na dati na ring naging local government official, na ang mga local chief executive – partikular ang mga alkalde o gobernador ang may supervisory power sa mga local pulis at hindi ang mga congressman.
Ipinunto ni Escudero, na ang tanging dahilan lang para mapasunod ng iba ang mga local police ay kung mayroong mataas na police officer, na mas mataas pa sa provincial director ang nagproprotekta sa mga tiwaling pulis. | ulat ni Nimfa Asuncion