Warrant of arrest laban kay Bantag para sa kasong pagpatay kay Percy Lapid, inilabas ng Las Piñas City RTC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpalabas na rin ng warrant of arrest ang Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Nahaharap sa kasong murder si Bantag na may kaugnayan sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.

Ipinalabas ni Las Piñas RTC Branch 254 Presiding Judge Harold Cesar Huliganga, ipinag-utos nito ang pag-aresto kina Bantag gayundin ang dating Deputy Chief ng BuCor na si Ricardo Zulueta, Isarel at Edmon Dimaculangan gayundin ang isang alyas Orly.

Walang piyansang inirekumendang piyansa ang korte para sa kinahaharap na kaso ng mga inuusig.

Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa RTC Branch 206 laban kina Bantag at Zulueta na may kaugnayan naman sa pagpatay sa middleman sa Percy Lapid slay case na si Cristito Villamor Palaña. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us