Nangako ang Maynilad Water Services na unti-unti nang sususpendihin ang mga water interruption kasunod ng ibinigay na dagdag na 52 cubic meters per second (CMS) na alokasyon ng tubig sa water concessionaires
Sa pulong balitaan, sinabi ni Ramoncito Fernandez, Presidente ng Maynilad, ngayong linggo ay mararamdaman na ang pag-aalis ng water interruption sa North at Southern area na siniserbisyuhan ng Maynilad.
Sa ngayon, mino-monitor nito ang La Mesa Portal at sa sandaling ma-stabilize ang water supply ay madadagdagan na ang alokasyon ng tubig sa mga apektadong lugar.
Dahil naayos na rin ang turbidity level sa Putatan 1 ay mas madadagdagan na ang produksyon ng tubig para sa mga consumer sa southern area.
Una nang inaprubahan ng National Water Resources Board ang 52 CMS na alokasyon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa Abril at Mayo. | ulat ni Rey Ferrer