Hinihikayat ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang pamahalaan at ang pribadong sektor na magpatupad ng pansamantalang work break mula 11 AM hanggang 2 PM para sa mga empleyado na nakababad sa init ng araw.
Ito ay sa gitna na rin ng patuloy na tumataas na temperatura ngayong summer.
Kabilang sa mga tinukoy ni Pimentel ang mga construction worker, street sweepers, traffic enforcers at iba pa.
Aniya, dapat silang payagan na magpahinga sa nasabing oras dahil dito pumapalo ang peak ng heat index para na rin matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan.
Umaasa ang senador, na mapag-aaralan ito ng Department of Labor and Employment (DOLE). | ulat ni Nimfa Asuncion