‘Zero Crime’ ngayong Semana Santa, pinatitiyak ng alkalde ng Caloocan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Caloocan City Police Station (CCPS) na paigtingin ang seguridad sa lungsod ngayong panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Caloocan Mayor Malapitan, target nito ang makamit ang zero crime rate sa buong lungsod.

Kaya naman, mahigpit ang direktiba nito na paigtingin ang police visibility, lalo na sa mga matataong lugar gaya ng mga simbahan at mga transport terminal.

Inatasan rin ng alkalde ang mga barangay na tuloy-tuloy na magronda upang maiwasan ang pananamantala ng mga masasamang loob habang nasa bakasyon ang ilang residente.

Nauna nang naglunsad ang pamahalaang lungsod ng “Alalay sa Manlalakbay” kung saan may mga itinalagang help desks para alalayan ang mga motorista at mga mananampalataya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: Caloocan LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us