Senador, nais isabatas ang automatic refund sa service interruptions ng mga telco at ISPs

Isinusulong ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada na maisabatas ang isang mekanismong magmamandato sa mga telecommunications companies (telcos) at internet service providers (ISP) na mag-refund sa kanilang mga subscriber kapag umabot ng 24 oras o higit pa ang pagkaantala ng kanilang serbisyo. Nakapaloob ito sa inihaing Senate Bill 2074 ng senador. Giit ni Estrada, patas lang… Continue reading Senador, nais isabatas ang automatic refund sa service interruptions ng mga telco at ISPs

Ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Cambodia, pinagtibay sa 3rd Joint Defense Cooperation Committee Meeting

Pinagtibay ng Pilipinas at Cambodia ang ugnayan nito sa ikatlong pagpupulong ng Joint Defense Cooperation Committee sa Phnom Penh, Cambodia. Kinatawan ni Department of National Defense (DND) Acting Undersecretary Angelito De Leon ang Pilipinas na siyang co-chairperson ng nasabing komite Kasama rin sa pagpupulong si Cambodia Minister Delegate Attached to the Prime Minister at Permanent… Continue reading Ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Cambodia, pinagtibay sa 3rd Joint Defense Cooperation Committee Meeting

GCG, hinamong pangunahan ang maayos at transparent na pagsisilbi sa bayan

Hinamon ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) na maging ehemplo sa iba pang lingkod-bayan, at manguna sa maayos at tapat na pagsisilbi. Ayon sa mambabatas, dapat ay lalo pang isabuhay ng GCG ang kanilang mantra na maging G.R.E.A.T. o ipatupad ang Good Governance, Rightsizing,… Continue reading GCG, hinamong pangunahan ang maayos at transparent na pagsisilbi sa bayan

24 na Pinoy repatriates mula sa Sudan, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na sa Pilipinas ang may 24 na Pilipinong nasagip ng pamahalaan matapos sumiklab ang civil war sa bansang Sudan. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), dumating ang mga naturang Pinoy sakay ng Saudia Airlines flight SV862 kaninang mag-aalas-2 ng hapon. Kinabibilangan ito ng may 19 na Islamic students gayundin ng dalawang overseas Filipino… Continue reading 24 na Pinoy repatriates mula sa Sudan, nakauwi na ng Pilipinas

Mga Pulis na sangkot sa ilegal na droga, tiniyak na makakasuhan at makukulong ayon sa bagong PNP Chief

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso sa mga opisyal nilang isinasangkot sa ilegal na droga Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., papanagutin nila ang lahat ng mga opisyal ng PNP na mapapatunayang may koneksyon sa ilegal na droga partikular na sa pagkakasabat ng 990 kilos na shabu sa… Continue reading Mga Pulis na sangkot sa ilegal na droga, tiniyak na makakasuhan at makukulong ayon sa bagong PNP Chief

Ipinakitang interes ng US companies na mamuhunan at magbukas ng trabaho sa Pilipinas, mas makakaakit ng ibang foreign investors sa bansa

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang posisyon ng Pilipinas para makaakit ng mga mamumuhunan kasunod ng ipinakitang interes ng US companies na magbukas ng trabaho bansa. Sa official working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos ay maraming kasunduan ang nalagdaan na magdadala ng dagdag trabaho at… Continue reading Ipinakitang interes ng US companies na mamuhunan at magbukas ng trabaho sa Pilipinas, mas makakaakit ng ibang foreign investors sa bansa

Sen. Koko Pimentel, nais paimbestigahan sa Senado ang delay sa pamamahagi ng National ID

Naghain si Senate Minority Leader Koko Pimentel ng isang resolusyon na naghihikayat sa Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang dahilan ng delay sa pamamahagi ng National identification cards (National ID) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Sa inihaing Senate Resolution 585 ni Pimentel, sinabi nitong may rason para paniwalaang may malfeasance, misfeasance o nonfeasance sa… Continue reading Sen. Koko Pimentel, nais paimbestigahan sa Senado ang delay sa pamamahagi ng National ID

DOE at NGCP, pinakikilos ni Senate President Zubiri para tugunan ang mga blackout sa Western Visayas

Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Energy (DOE) at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na resolbahin kaaagad ang mga blackout o power outages sa Western Visayas. Iginiit ni Zubiri, hindi lang ito basta abala sa mga consumer kung hindi isang malaking problema na nakakaapekto sa ekonomiya at panganib… Continue reading DOE at NGCP, pinakikilos ni Senate President Zubiri para tugunan ang mga blackout sa Western Visayas

DILG at USAID, nagsanib-puwersa para sa mas pinaigting na community-based drug rehabilitation

Nagsanib-puwersa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at United States Agency for International Development (USAID)-RenewHealth, upang palakasin pa ang community-based drug rehabilitation (CBDR) anti-illegal drug program na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) ng pamahalaan. Ang partnership ‪ay opisyal na inilunsad ngayong araw sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan… Continue reading DILG at USAID, nagsanib-puwersa para sa mas pinaigting na community-based drug rehabilitation

Pilipinas, mangunguna sa UN Committee for Program and Coordination Conference

Tatanggapin ng Pilipinas ang Chairmanship nito bilang tagapangulo ng United Nations Committee for Program and Coordination (CPC) sa ika-63 na sesyon nito sa susunod na buwan. Isasagawa ang nasabing sesyon sa punong tanggapan ng United Nations sa New York, Estados Unidos mula Mayo 30 hanggang Hunyo 30. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nahalal… Continue reading Pilipinas, mangunguna sa UN Committee for Program and Coordination Conference