Paggamit ng nuclear energy, kinakailangan na — PNRI

Kailangang-kailangan na ayon sa Philippine Nuclear Research Institute na gumamit ng enerhiyang pang- nukleyar ang bansa sa harap ng hindi na magandang energy status ng Pilipinas. Sa Laging Handa Public briefing, ipinaliwanag ni PNRI Executive Director Carlo Arcilla na 50% ng enerhiya sa bansa ay umaasa sa coal na kung saan, 90% sa pangangailangan sa… Continue reading Paggamit ng nuclear energy, kinakailangan na — PNRI

PH at US air force, nagsagawa ng Defensive Counter Air Training

Nagsanay sa Defensive Counter Air Tactics ang Philippine Air Force (PAF) at United States Air Force (USAF) bilang bahagi ng COPE Thunder Exercise 1-23. Dito’y nagpakitang gilas ang mga airmen ng dalawang pwersa sa air combat scenario sa Clark Air Base at Basa Air Base sa Pampanga. Layunin ng Defensive Counter Air training na mapahusay… Continue reading PH at US air force, nagsagawa ng Defensive Counter Air Training

Marcos Admin, nakatutok sa pagtugon ng inflation sa bansa — NEDA Chief

Hindi tumitigil ang Marcos Administration sa pagtugon sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa. Pahayag ito ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan kasunod ng pinakahuling suvey ng Social Weather Station (SWS) kung saan lumalabas na 51% o 14 milyong pamilyang Pilipino ang ikinu-konsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.… Continue reading Marcos Admin, nakatutok sa pagtugon ng inflation sa bansa — NEDA Chief

Taas-singil ng Meralco, tinutulan ng Gabriel party-list solon

“Moderate your greed.” Ito ang panawagan ni Assistant Minority Leader at Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa ipinatupad na taas-singil ng Meralco para sa buwan ng Abril at ang planong pagkolekta ng under-recoveries. Aniya, hindi ikakalugi ng Meralco kung tapyasan nito nang konti ang buwanang singil sa mga konsumer, lalo at wala pa ring umento… Continue reading Taas-singil ng Meralco, tinutulan ng Gabriel party-list solon

PBBM, nagbigay-pugay sa health care workers sa pagdiriwang ng Nat’l Health Worker’s Day nitong Mayo 7

Binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga manggagawa na nasa pangangalagang pangkalusugan kasunod ng naging pagdiriwang ng National Health Worker’s day. Dapat kilalanin ayon sa Punong Ehekutibo ang health care workers na aniya’y walang sawa sa ginagawang paglilingkod ng mga ito sa mga nangangailangan. Higit aniyang napatunayan ang pagseserbisyo ng nasa medical… Continue reading PBBM, nagbigay-pugay sa health care workers sa pagdiriwang ng Nat’l Health Worker’s Day nitong Mayo 7

CAAP walang naitalang pinsala sa mga paliparan kasunod ng lindol sa
Maconacon, Isabela

Walang naitalang pinsala sa paliparan ang Magnitude 5.1 na lindol sa Maconacon, Isabela. Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, matapos ang lindol agad nilang inactivate ang tower emergency plan upang suriin ang mga paliparan na matatagpuan malapit sa pinangyarihan ng lindol. Kabilang na ang sa Cauayan at Palanan Airports… Continue reading CAAP walang naitalang pinsala sa mga paliparan kasunod ng lindol sa
Maconacon, Isabela

Mas mabigat na parusa laban sa mga magtitinda ng ‘bocha,’ inihain sa Kamara

Ipinapanukala ni Cagayan de Oro Repreaentative Rufus Rodriguez na patawan ng parusang pagkakakulong ang mga mapatutunayang nagbebenta ng bocha o karne ng patay na o may sakit na hayop. Sa inihaing House Bill 7655 ng kongresista ay aamyendahan ang Meat Inspection Code of the Philippines kung saan tanging pagkumpiska at multa lamang ang parusa. Sakaling… Continue reading Mas mabigat na parusa laban sa mga magtitinda ng ‘bocha,’ inihain sa Kamara

Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso, nabawasan — PSA

Bahagyang bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022. Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at… Continue reading Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso, nabawasan — PSA

10 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng higit 40°C heat index — PAGASA

Mainit at maalinsangang panahon pa rin ang aasahan ng publiko ngayong araw ayon sa PAGASA. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng higit sa 40°C pa rin ang heat index o alinsangan sa katawan na maramdaman sa 10 lugar sa bansa ngayong Lunes, May 8. Posibleng pumalo hanggang sa 44°C ang heat index sa… Continue reading 10 lugar sa bansa, posibleng makaranas ng higit 40°C heat index — PAGASA

PNP Chief sa mga commander: Iparamdam sa mga mamamayan na welcome sila sa mga himpilan ng pulis

Hinimok ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng police commanders na iparamdam sa mga mamamayan na welcome sila sa mga himpilan ng pulis. Ang pahayag ay ginawa ng PNP Chief sa Flag-raising ceremony sa Camp Crame ngayong umaga. Ayon sa PNP Chief, kung maramdaman ng mga mamamayan na sila ay welcome… Continue reading PNP Chief sa mga commander: Iparamdam sa mga mamamayan na welcome sila sa mga himpilan ng pulis