Sumailalim sa Road Safety seminar sa PITX ang 100 drivers ngayong araw.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Gov’t Relation Head Jayson Salvador, layon nito na matiyak ang kaligtasan ng mga driver, pasahero at kapwa driver na nakakasabay sa lansangan.
Binigyang pansin din ang malusog na paningin ng mga driver na isa sa importante sa pagmamaneho.
Nagkaroon ng libreng checkup sa mata para sa mga driver lalo’t bugbog ito sa mahabang oras ng pagmamaneho.
Katuwang ang LTO at Fred Hallows Foundation and Pars, tinalakay din ang Healthy Vision, Building Road Safety Culture at tamang pag-uugali sa pagmamaneho. | ulat ni Don King Zarate