13 PDL, nailabas na sa isolation facility ng New Bilibid Prison matapos mag-negatibo sa COVID-19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 13 persons deprived of liberty (PDL) ang nakalabas na sa isolation facility ng New Bilibid Prison matapos mag-negatibo sa COVID-19.

Ito’y kaugnay sa pagdami ng kaso ng naturang virus sa loob ng NBP kung saan nasa 75 PDLs na ang nasa isolation facility matapos mag-positibo sa COVID-19.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Health and Welfare Services Director Maria Cecilia Villanueva, sa naturang bilang, 15 sa mga ito ay pawang senior citizens na.

Dagdag pa ni Villianueva na patuloy pa rin ang kanilang pag-aassist sa mga PDL na kasalukuyang nasa isolation facility at magandang balita na may mga gumaling na sa naturang virus. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us