No visitor policy, ipinatutupad sa Philippine Heart Center

Humihiling ngayon ng pang-unawa ang Philippine Heart Center dahil hindi muna papayagan ang mga bisita o dalaw sa loob ng ospital. Sa isang abiso, inanunsyo ng ospital na paiiralin muna ang No Visitor policy sa gitna ng tumataas na COVID-19 infections. Ayon sa PHC, ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19… Continue reading No visitor policy, ipinatutupad sa Philippine Heart Center

COVID positivity rate sa QC, tumaas sa 28%

Patuloy na pinag-iingat ng Quezon City local government ang mga residente nito sa banta ng COVID-19. Ito ay sa gitna ng nananatiling mataas na COVID cases sa lungsod na umakyat pa sa 181 daily average cases sa ngayon. Ayon sa OCTA Research, 37% ang itinaas ng bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ngayong… Continue reading COVID positivity rate sa QC, tumaas sa 28%

Lakas-CMD, patuloy ang suporta sa liderato ni Pres. Marcos Jr. at House Speaker Romualdez — Sen. Revilla

Iginiit ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang patuloy na nagkakaisang suporta ng partidong Lakas-CMD sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Revilla, ang Lakas-CMD ang dominant political party ng Pilipinas at nananatili silang nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Party President na si House Speaker Martin Romualdez. Si Revilla ay… Continue reading Lakas-CMD, patuloy ang suporta sa liderato ni Pres. Marcos Jr. at House Speaker Romualdez — Sen. Revilla

Ilang political party sa Kamara, nagpaabot ng pagbati sa bagong senior deputy speaker

Binati ng ilang political party leaders si Pampanga 3rd District Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa pagkakatalaga nito bilang bagong senior deputy speaker. Ayon sa kanilang kapartido na si Palawan Representative Jose Alvarez, PDP-LABAN national president, ang pagkakapili kay Gonzales bilang SDS ay nagpapakita ng pagtitiwala ng Kamara sa mga ambag nito sa Kongreso. Pinagtibay… Continue reading Ilang political party sa Kamara, nagpaabot ng pagbati sa bagong senior deputy speaker

Deputy Speaker Arroyo, itinanggi na may balak agawin ang speakership post

Itinanggi ni dating Pangulo at Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal na nagpaplano siya ng coup laban kay House Speaker Martin Romualdez. Ito’y matapos siyang palitan ni Pampanga 3rd District Representative Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr., bilang senior deputy speaker. Para sa dating pangulo, wala siyang balak makisawsaw sa anomang pamomolitika na maaaring makasira sa panawagang… Continue reading Deputy Speaker Arroyo, itinanggi na may balak agawin ang speakership post

Pag-apruba ni PBBM sa inamiyendahang batas na nagtatakda ng fixed term sa Military officials, welcome sa AFP

Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsang-ayon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na amiyendahan ang batas na nagtatakda ng fixed term para sa mga pinuno ng Major Services ng Militar. Ito’y makaraang lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11939 na nag-aamiyenda sa Republic Act 11709 kung saan, gagawin na… Continue reading Pag-apruba ni PBBM sa inamiyendahang batas na nagtatakda ng fixed term sa Military officials, welcome sa AFP

Army athletes na humakot ng mga medalya sa ika-32 Asian Games, binati ng Army Chief

Binati ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. ang mga atleta ng Philippine Army na nagkamit ng 17 medalya sa katatapos na ika-32 Asian Games sa Phnom Phen, Cambodia. Ang mga Army Athletes ay nanalo ng tatlong ginto, walong pilak, at anim na tansong medalya, sa palarong nilahukan ng mga atleta mula sa… Continue reading Army athletes na humakot ng mga medalya sa ika-32 Asian Games, binati ng Army Chief

Parusang death penalty sa mga kawani ng Bureau of Customs na masasangkot sa agri smuggling, ipapanukala ni Sen. Robin Padilla

Maghahain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas para mapatawan ng death penalty ang mga tauhan ng Bureau of customs (BOC), na mapapatunayang sanggkot sa smuggling ng mga produktong pang agrikultura. Sa pagsisimula ng pagdinig ng Senate Committee on Agriculture ngayong araw, agad nag-init ang ulo ni Padilla nang mapansin na hindi nakikinig sa… Continue reading Parusang death penalty sa mga kawani ng Bureau of Customs na masasangkot sa agri smuggling, ipapanukala ni Sen. Robin Padilla

Pagpapalawak ng imprastraktura sa Mindanao, mahigpit na tinututukan ng administrasyon — NEDA

Nananatiling nasa top priority ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapaganda ng connectivity ng iba’t ibang lugar sa bansa, sa pamamagitan ng expansion at upgrading ng mga imprastraktura sa Mindanao. Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, matapos dumalo sa Mindanao Development Forum sa Davao City,… Continue reading Pagpapalawak ng imprastraktura sa Mindanao, mahigpit na tinututukan ng administrasyon — NEDA

Pasahe sa eroplano, nakaambang bumaba sa susunod na buwan

Good news sa mga motorista dahil nakatakdang bumaba ang pamasahe sa eroplano sa susunod na buwan. Ayon sa Civil Aeronautics Board, bunsod ito ng pagbaba naman ng singil sa fuel surcharges sa level 4 mula sa kasalukuyang level 5. Paliwanag ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla, epektibo Hunyo 1 ay maglalaro mula P117 hanggang P342… Continue reading Pasahe sa eroplano, nakaambang bumaba sa susunod na buwan