2 electric cooperatives sa Northern Luzon, naapektuhan ng bagyong Betty

Facebook
Twitter
LinkedIn

May dalawang electric cooperatives (ECs) na nasa Northern Luzon ang nakakaranas ng partial power interruption dahil sa bagyong Betty.

Ayon sa National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction Department, ang dalawang electric coop ay ang Cagayan Electric Cooperative 2 (CAGELCO 2).

Apektado ng power interruption ang munisipalidad ng Pamplona sa nasabing lalawigan.

Ang isa pang nagka aberya ay ang BATANELCO o Batanes Electric Cooperative.

Naapektuhan nito ang mga munisipalidad ng Mahatao, Itbayat, Ivana, Basco, Sabtang at Uyugan.

Gayunman, on-going na ang restoration at damage cost assessment sa mga apektadong ECs.

Sa kabuuang 18 ECs kahapon, 10 na lang dito ang nananatiling nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal.

Walo (8) maman sa 10 ECs ang nasa normal na operasyon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us