Naglunsad ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina ng dalawang magkasabay na jobs fair sa lungsod ngayong Araw ng Paggawa.
Isa sa mga venue ay ang Marikina City Hall Quadrangle kung saan iba’t ibang industriya ang nag-aalok ng trabaho.
Kabilang dito ang mga hotel, automobile, business process outsourcing, supermarket, fast food chain, eskuwelahan at mga tanggapan ng gobyerno tulad ng Civil Service Commission at Philippine Statistics Authority.
Maaga pa lang ay marami na ang pumila para sa pag-asang makahanap ng trabaho.
Bukod sa City Hall, mayroon ding job fair sa SM City Marikina, na tatagal hanggang alas-5 ng hapon kung saan ang job openings ay marketing staff, technician, janitorial services at iba pa.
Dalawampu’t limang local companies at limang overseas companies ang lumahok.
Maaaring mag-apply sa job fair ang 18 taong gulang pataas, at least high school graduate, college level o college graduate. | ulat ni Hajji Kaamiño