2 patay, 3 sugatan, matapos tamaan ng kidlat sa General Trias City, Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng General Trias City Disaster Risk Reduction and Management Office na dalawang magkahiwalay na insidente ng pagtama ng kidlat ang nangyari sa kanilang lugar.

Nagresulta ito sa pagkamatay ng dalawang menor de edad bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan na sinamahan pa ng malakas na pagkulog at matatalim na kidlat kaninang hapon.

Sa ulat naman ni Police Lieutenant Colonel Jose Naparato Jr., Chief of Police ng General Trias City Police Station, unang nangyari ang pagtama ng kidlat sa Brgy. Pasong Camachile Dos kung saan tatlo ang tinamaan kabilang na ang 10-taong gulang na nasawi.

Nangyari naman ang ikalawang insidente sa Brgy. Santiago kung saan, dalawa ang tinamaan kabilang ang 16-na taong gulang na nasawi.  | ulat ni Jaymark Dagala

📸: CDRRMO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us