Nananatiling mataas ang COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga na-test para sa COVID-19 sa Metro Manila, ayon yan sa OCTA Research Group.
Sa datos na inilabas ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, as of May 16 ay sumampa na sa 25.9% ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) mula sa 24.2% noong nakaraang linggo.
Gayunman, tinukoy nitong bahagyang mas mababa ang datos na ito kung ikukumpara sa naitalang 26.1% positivity rate sa NCR noong May 15.
Ayon kay Dr. David, kailangang obserbahan ang mga datos sa mga susunod na araw para malaman kung pababa na ba ang trend ng COVID cases sa rehiyon.
Kaugnay nito, naitala naman sa 23.8% ang nationwide positivity rate.
Sa tantya ng OCTA, posibleng umabot sa 1,900 hanggang 2,000 ang COVID cases sa bansa ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa