3-minute response time ng QCPD sa krimen, pinuri ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang 3-minute response time ng Integrated Command Control Center (ICCC) ng Quezon City Police District (QCPD), na maaring gayahin nationwide.

Ito’y sa isinagawang Command Visit ng PNP Chief sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal kahapon.

Si Gen. Acorda ay malugod na tinanggap ni QCPD Director Brig. Gen Nicolas Dela Torre III kasama si NCRPO Regional Director, Maj. Gen. Edgar Alan Okubo, at Deputy Regional Director for Operations, Brig. Gen. Jack Wanky.

Ang ICCC ng QCPD ay gumagamit ng “state of the art technology” para mas mabilis na makaresponde ang mga pulis sa krimen.

Ayon sa PNP Chief, ang pamumuhunan ng QCPD sa kanilang ICCC ay testamento sa pagsisikap ng PNP na mapahusay ang kanilang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan. | ulat ni Leo Sarne

?: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us