Patuloy na pinag-iingat ng Makati City local government ang mga residente laban sa dengue.
Sa ngayon, 326 na ang nagka-dengue sa Makati simula January 2023 na lahat naman ay naka-recover na.
Pinakamaraming nagkasakit noong January na may 114 na na-dengue, habang pinakamababa naman ngayong buwan ng Mayo na mayroong pitong kaso lamang.
Una nang, ipinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay ang anti-dengue clean-up drive para maiwasan ang pagdami ng lamok na posibleng may dalang dengue virus.
Kabilang sa nilinis ang mga kanal, nakakalat na basura, pag-aalis ng mga gulong sa bubong at marami pang iba. | ulat ni Don King Zarate