ACG sa publiko: I-report ang mga mapanganib na prank video

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa publiko na i-report ang mga mapanganib na prank video at iba pang ilegal na online content.

Ang panawagan ay ginawa ni ACG Director Police Brigadier General Sydney Sultan Hernia, kasabay ng paalala sa mga content creator na maging responsable sa kanilang ginagawang mga prank video. 

Ito ay kasunod ng kidnapping prank na ginawa ng tatlong popular na You-tuber na kilala bilang Tukomi Brothers, na nasaksihan ng isang pulis at muntik nang tumuloy sa engkwentro.

Ayon kay Hernia, nakita sa insidente ang potensyal na mapanganib na epekto ng iresponsableng “content creation”.

Na-monitor aniya ng ACG ang paglaganap ng mga ulat tungkol sa mga vlogger na gumagawa ng mapanganib na prank tulad ng pekeng pagnanakaw at pag-atake, na nagdulot ng takot at pangamba sa mga pampublikong lugar, at panganib sa mga inosenteng sibilyan. Ayon kay Hernia, nag-request na ang ACG na i-take down ang naturang video sa lahat ng social media platforms, at pananagutin nila ang mga vlogger sa kanilang iresponsableng gawain. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us