Itinaas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha sa ilang lalawigan sa Luzon na posibleng maapektuhan ng Bagyong Betty.
Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 88km/h at moderate to heavy hanggang sa intense rainfall ang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Aurora, Batanes, Benguet, Cagayan, Catanduanes, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Vizcaya, at Quirino
Bagamat mababa ang banta sa ilalim ng Alert Level Alpha, patuloy na pinag-iingat ng DILG ang mga LGU sa ilang posibleng maging panganib na dulot ng malakas na hangin at ulan.
Una na ring pinaalalahanan ng DILG ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang Oplan Listo Protocols bilang paghahanda sa bagyong Betty.
Kabilang dito ang pagsisiguro na operational at kumikilos ang kani-kanilang Emergency Operations Center, agarang pagtatalaga ng mga posibleng evacuation centers at pagsasagawa ng preemptive evacuation para sa mga naninirahan sa mga lugar na tinuturing na danger zones. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷:PAGASA