Anti-Cybercrime Group sa publiko: Mag-ingat sa online job postings

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inabisuhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko na mag-ingat sa mga online-job posting para maiwasang mabiktima ng human trafficking.

Ang paalala ay ginawa ni ACG Spokesperson Police Captain Michelle Sabino, matapos na i-indict ng Department of Justice (DOJ) kahapon ang 10 suspek na sangkot sa ilegal na pag-recruit ng mahigit 1,000 dayuhan, para magtrabaho sa isang call center sa Clark Freeport Zone Pampanga.

Ni-recruit umano ng mga suspek sa pamamagitan ng online job posting ang mga dayuhang biktima na pinangakuan ng lehitimong trabaho sa Pilipinas.

Pero pagdating nila sa bansa, kinuha ang kanilang passport at pinagtrabaho ng 16 hanggang 18 na oras ng walang overtime bilang mga call center agent na nanghihikayat ng iba pang mga dayuhan na mamuhunan sa crypto-currency scam.

Sinabi naman ni ACG Director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, na ang pagkakaligtas ng ACG sa mga biktima at pagkakahuli sa mga suspek ay nagsisilbing babala sa mga iba pang sangkot sa human trafficking, na maaabutan din sila ng hustisya sa kamay ng pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us