Army athletes na humakot ng mga medalya sa ika-32 Asian Games, binati ng Army Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Philippine Army Chief Lieutenant General Romeo Brawner Jr. ang mga atleta ng Philippine Army na nagkamit ng 17 medalya sa katatapos na ika-32 Asian Games sa Phnom Phen, Cambodia.

Ang mga Army Athletes ay nanalo ng tatlong ginto, walong pilak, at anim na tansong medalya, sa palarong nilahukan ng mga atleta mula sa 11 bansa sa timog silangang Asya mula May 5 hanggang May 17.

Ayon kay Lt. Gen. Brawner, ang 17 medalyang ambag ng mga Army Athletes ay nakatulong para magtapos sa ikalimang pwesto ang Team Philippines, na nanalo ng kabuuang 260 medalyang binubuo ng 58 ginto, 86 na pilak, at 116 na tanso.

Ang mga sundalong kampeon ay pinangunahan ng mga gold-medalista na sina: Private Crisamuel Delfin at Private Dexter Bolambao sa arnis; at Corporal Ronil Tubog sa Wrestling Men’s Freestyle – 61 kilograms category.

Pinuri ni Gen. Brawner ang mga sundalong atleta na patuloy na nagdadala ng karangalan sa buong bansa, kasabay ng pagtiyak na susuportahan ng Army ang kanilang mga atleta sa pamamagitan ng ng world-class training facilities. | ulat ni Leo Sarne

📸: Special Service Center, Installation Management Command, Philippine Army

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us