Lalo pang pinagtibay ng Pilipinas at Australia ang commitment nito para patatagin ang kanilang bilateral relationship gayundin ang strategic partnership.
Ito ang kapwa binigyang diin nila Department of Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo gayundin ni Australian Foreign Minister at Sen. Penny Wong sa isinagawang Joint Press Conference ngayong araw
Dito, iniulat nila Manalo at Wong ang mga naging tagumpay ng dalawang bansa sa pagpapanatili ng magandag relasyon gayundin ang pagpapatatag ng ugnayan sa aspeto ng depensa, maritime, counter-terrorism, peace building, law and justice at iba pa.
Tiniyak din ng dalawang opisyal ang pagpapaigting ng trade and investment cooperation at pagtuklas ng mga bagong posibilidad sa pagpapalakas ng turismo gayundin ang pagpapatatag ng maritime security at pagtulong sa epekto ng oil spill
Kasunod nito, inanunsyo rin ni Minister Wong na itataas ng Australia ang ibinibigay nitong Official Development Assistance sa 89.9 million Australian dollars o katumbas ng mahigit tatlong bilyong piso para suportahan ang iba’t ibang programa ng pamahalaan.
Dagdag aniya ito sa halos 10 milyong Australian dollars bilang suporta ng Australia sa Pilipinas sa pagtatatag ng bagong sistema ng immunization information, pagpapatatag ng laboratory at surveillance system gayundin matugunan ang routine immunization na nabalam dahil sa pandemiya
📸: Australian Embassy