Bagyong Mawar, ‘di direktang makakaapekto sa bansa – PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kahit makapasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay wala pa ring direktang epekto ang typhoon Mawar sa anumang bahagi ng bansa.

Ito ang nilinaw ng PAGASA Weather Bureau, kasunod ng patuloy na monitoring sa ikinikilos ng bagyo.

Kaninang umaga mula sa pagiging super typhoon ay isa na lang typhoon category ang binabantayang bagyo, na nagtataglay na lamang ng 175 kph at bugso na 215 kada oras.

Sa pagtaya ng PAGASA, maaaring pumasok ng PAR ang bagyong Mawar na tatawaging bagyong Betty sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

Hindi rin nakikita ng PAGASA na magiging ala Ondoy ang idudulot ng bagyo.

Kung hindi nagbabago ang tinatahak na direksyon at lakas na taglay ay sa araw ng Martes o Miyerkules pa magkakaroon ng epekto ang bagyo sa bansa, gaya ng dalang mga pag-ulan at hangin na dala ng typhoon Mawar.

Batay sa huling monitoring ng PAGASA, kumikilos ang typhoon Mawar sa North-Northwest ward sa bilis na 10 kilometro kada oras. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us