Umabot ng 610 na applicants ang nag-apply ng trabaho sa ginanap na Cooperative Job Fair ngayong araw sa Quezon City.
Ayon kay Ermilina Raceles, Senior Cooperative Specialist ng Cooperative Development Authority, ang mga nag-apply ay may oportunidad na maging miyembro ng isang kooperatiba na may mga benepisyo gaya ng pautang.
May 14 na labor service cooperative ang nakiisa sa job fair.
Kabilang sa mga trabahong ibibigay ay marketing assistant, office staff, encoder, plant mechanic, cashier, roving merchandiser, production worker, at warehouseman.
Kabilang sa top 3 cooperative na dinagsa kaninang umaga sa job fair ay ang Yearning Outsourcing, First Corinthians, at Aim Stop Cooperatives.
Ginawa ang job fair ngayong Labor day sa inisyatiba ng Cooperative Development Authority-National Capital Region (CDA-NCR), Department of Labor and Employment-NCR, at Quezon City Government. | ulat ni Rey Ferrer