Bilang ng mga pamilyang apektado ng Bagyong Betty, umakyat na sa 2,000 — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 2,059 pamilya o katumbas ng 8,433 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Betty sa bansa, batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center.

Ang mga apektadong residente ay naitala sa Regions I, II, III at sa CAR.

Kaugnay nito, umakyat na rin sa 185 pamilya o katumbas ng 725 indibidwal ang inilikas sa 27 evacuation centers.

Nadagdagan naman ang naiulat na pinsala ng nagdaang bagyo kung saan 27 kabahayan na ang totally damaged habang 8 ang partially damaged.

Sa ngayon, ongoing na rin ang pamamahagi ng ayuda ng DSWD katuwang ang LGUs.

Sa kasalukuyan, aabot na sa higit ₱178,000 ang inisyal na halaga ng assistance na nailaan na nito sa mga apektadong lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷:DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us