Brodkaster, patay nang pagbabarilin sa Calapan, Oriental Mindoro ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang isang local brodkaster matapos tambangan ng dalawang naka-motorsiklong suspek sa C5 road, barangay Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro kaninang 4:30 ng umaga.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin, 50 taong gulang na nagproprograma sa local radio station sa lalawigan.

Inabangan umano ng mga suspek na naka motorsiklo ang biktima sa pagbubukas nito ng tindahan saka pinagbabaril.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Namatay din umano sa insidente ang isa sa mga suspek, habang nakatakas ang isa.

Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operations ang PNP sa nakatakas na suspek. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us