BuCor, magpapatupad ng mas mahigpit na health protocols sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prisons

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng mas mahigpit na health protocols ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prisons.

Ito’y matapos na umabot sa 57 COVID-19 cases ang naitala sa loob ng NBP.

Ayon kay BuCor Chief Gregorio Catapang Jr., kinakailangan na nakasuot ng face mask ang bawat kawani at mga indibidwal na may transaksyon sa loob ng BuCor at kinakailangan rin na magnegatibo muna sa Rapid test bago makapasok sa loob ng compound.

Kaugnay nito, hindi muna papahitulutan ang visitation sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) hangang May 21 para sa pagsasagawa ng contact tracing at hanggang sa maging negatibo na ang mga nagkaroon ng asymptomatic cases at mga nagpositibo na PDLs. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us