Pinulong ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang City Disaster Risk Reduction and Management Council upang paghandaan ang pagpasok ng bagyong “Mawar” sa bansa.
Ayon kay Zamora, titiyakin ng lokal na pamahalaan na maayos na gumagana ang pumping stations upang maiwasan ang pagbaha sa mabababang lugar.
Tinalakay din sa pulong ang kakailanganin ng mga residenteng maaaring maapektuhan ng bagyo tulad ng itatalagang evacuation centers, pagkain, tubig, gamot at emergency responders.
Makakaasa aniya ang mga residente na sama-samang kikilos ang iba’t ibang tanggapan sa lungsod pati na ang mga barangay.
Kaugnay nito, handa na ang identified evacuation sites sa bawat barangay na makikita sa official social media page ng San Juan City, at ang hotlines na maaaring tawagan sakaling kailanganin ng tulong. | ulat ni Hajji Kaamiño