Claimants ng Marawi Siege Compensation Act, tinatayang nasa 17,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 17,800 na possible claimants na ang sumailalim sa profiling ng Task Force Bangon Marawi, para sa mga nasirang ari-arian o buhay na nawala noong kinubkob ng teroristang Maute ang Marawi City, taong 2017.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Atty. Maisara Latiph, na maaari pang madagdagaan o mabawasan ang bilang na ito depende sa aktuwal na aplikasyong matatanggap ng board.

Pagdating aniya sa istraktura, nasa 12,000 naman ang tinatayang magiging claimant.

Para aniya sa totally damage na concrete repairs, posibleng nasa P18,000 per square meter ang matatanggap ng claimants habang P13,500 per square meters naman sa partially damage.

Magkaiba aniya ang claimant para sa mga nasirang imprastruktura, mga nawalang personal na ari- arian, at maging ang kompensasyon para sa mga missing o mga nasawing indibiwal.

“Initial lang po dahil next year ay maaari pong tumaas din iyan upon receipt, kapag na-receive na natin lahat iyong mga file na claim, so ang asahan po ninyo na sa susunod po na mga araw ay i-a-announce na po natin iyong place of filing claim, manner of filing claim and then time of filing claim.” — Atty. Latiph

Una nang naaprubahan ang implementing rules and regulations para sa Marawi Siege Compensation Act, na inaasahang ilalabas sa mga susunod na araw.

“Ang Marawi Compensation Board ay nagsisikap na mapabilis dahil iyan ang direktiba sa atin ng ating mahal na Presidente na sana ay agaran po iyong pagbabayad natin, at in fact mayroon po tayong initial funding na one billion.” — Atty. Latiph

Dito nakapaloob ang paraan ng pagpa-file ng claim, mga kailangang dokumento, kailan, at saan maghahain ng claim. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us