Inilatag ng Department of Agriculture at National Economic and Development Authority ang contingency plans at policy responses upang labanan ang epekto ng El Nino.
Sa pulong ng Economic Development Group, ipinanukala ng NEDA at DA ang preparatory activities upang tulungan ang mga magsasaka na sabayan ang epekto ng El Nino phenomenon.
Kabilang sa mga natalakay ang ‘retooling’ at pagpapalakas sa disaster response ng gobyerno at pagsasagawa ng lingguhang monitoring ng local field conditions.
Bukod dito, magkakasa rin ng regional assessments, sisiguruhin ang sapat na buffer stocks at isusulong ang maagang pagtatanim para sa dry season sa mga lugar na may kakulangan sa suplay ng tubig.
Samantala, makatutulong naman ang dashboards ng socioeconomic at sectoral statistics sa pagbibigay ng napapanahong rekomendasyon na may kaugnayan sa pag-aangkat at iba pang hakbang kontra mataas na food inflation. | ulat ni Hajji Kaamiño